--Ads--

Nangangamba ang Cauayan City Agriculture Office (CAO) sa lahat ng mga magsasaka sa lungsod na hindi pa nakakapag ani ng panananim kasunod ng pagpasok ng bagyong Nando.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, sinabi niya na may posibilidad na pwedeng malubog sa tubig ang mga tanim gaya ng nangyari noong nakaraang taon.

Kaya naman suwestiyon nito sa mga magsasaka anihin na ang kanilang pananim kung nasa maturity state naman na ang mga ito.

Naniniwala siya na matatalino ang mga magsasaka at alam nila ang kanilang ginagawa tuwing may mga kalamidad.

--Ads--

Ngunit nagpaalala pa rin ito sa publiko upang sa ganoon ay makapaghanda sa posibleng epekto ng mga kalamidad lalo na sa sektor ng agrikultura.

Sa tala ng opisina, may ilang mga taniman pa na hindi nakakapag ani lalo na ang mga lugar na laging binabaha.

Isa sa mga minomonitor pa ngayon ng CAO ay ang mga lugar na kapag tumaas ang level ng tubig ay inaabot pa rin n baha kasi dun sa mga lugar na iyon ay mga iba pang hindi nakakapag-ani ng kanilang mga tanim.

Ayon kay Alonzo, kalimitan ito ay mga huling naitanim kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa maaring anihin.

Inaasahan din ng opisina na isa sa magiging epekto ng kalamidad na nararanasan ay ang pahirapan na pagbibilad ng mga aning palay o mais.

Karanasan na kasi ito noong nakaraang taon kung saan maraming mga magsasaka ang ibinenta ng fresh ang kanilang ani kahit pa sa mas murnag halaga.