--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumadaing ang ilang magsasaka sa Lunsod ng Cauayan dahil sa kawalan ng patubig sa kanilang sakahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Aurelio Agcaoili ng Barangay Buena Suerte, sinabi niya na ngangamba na sila dahil sa posibleng mahuli silang makapagtanim dahil sa kawalan ng patubig.

Unang beses anya itong maranasan sa naturang barangay na posibleng dahil sa epekto ng El Nino.

Karamihan sa mga magsasaka ay umaasa nalang sa mga ulan tuwing  hapon upang makapaghanda ng sakahan.

--Ads--