--Ads--

CAUAYAN CITY- Umaasa ang ilang mga empleyado o manggagawa sa lungsod ng Cauayan na tuluyang maisabatas ang panukalang 200 pesos wage increase sa mga nasa private sector.

Matatandaan na inaprubahan ng

House Committee on Labor Employment ang panukalang batas kaya naman agad na pumutok sa social media ang samut saring reaction ng mga Pilipinong manggagawa.

Maging ang ilang manggagawa sa lungsod ng Cauayan ay umaasa din na maisasapinal at magiging batas na ang panukala upang marami sa kanila ang matulungan para makaahon sa pang araw araw na pamumuhay.

--Ads--

Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Lara Jane rodriguez, isang manggagawa, sinabi niya na may pangamba pa rin sila na posibleng magtaas ang presyo ng mga  bilihin dahil sa wage hike.

Bagaman may pangamba ay mas gusto pa rin aniya nila na magkaroon ng wage hike o pagtaas ng sahod .

Marami na rin kasi aniya sa mga empleyado ang sumasahod lamang ng below 500 kahit college degree sila.

Mainam aniya na magkaroon ng adjustment sa pagpapasahod upang makahabol naman ang mamamayan sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.