--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Region 2 ng ilang pinsala sa mga eskwelahan sa Cagayan at Batanes dahil sa pananalasa ng bagyong Julian sa Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Project Development Officer Rommy Palattao ng Deped Region 2, sinabi niya na nakatanggap na sila ng ulat mula sa Schools Division ng Batanes kung saan naitala ang Major damages sa  27 Paaralan na nakapagtala ng pinsala, 14 sa mga ito ang totally damage na may kabuuang halaga na 68,787,500 pesos mula sa SDO Batanes kabilang ang isang opisina sa mismong SDO Batanes.

Aniya maliban sa batanes ay may mga naitala na ring damages sa Cagayan kung saan ang reported ay nasa 31 eskwelahan ang napinsala dalawa dito ang totally damage.

Sa ngayon ay nag resume na ang klase sa Mainland Cagayan habang nanatiling suspendido ang klase sa Island Province ng Batanes dahil sa matinding pinsala na naiwan doon ng Bagyo.

--Ads--

Sisimulan naman ng DepEd ang pag download ng 8 million pesos mula sa quick response fund ng Kagawaran para sa minor repair sa ilang mga napinsalang silid aralan habang ihahanda pa ang program of work para sa reconstruction sa mga totally damages na gusali ng ilang Paaralan sa Cagayan at Batanes.

Malibans mga silid aralan ay may mga pasilidad gaya ng computers, furnitures at learning modules ang nasira na may halaga na humigit kumulang 9 milyon pesos.