--Ads--

CAUAYAN CITY- Inagahan na ng ilang mga namamasadang tricycle driver ang mag renew ng kanilang prangkisa ngayong taong 2025.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Edil Berto, tricycle driver, sinabi niya na nasa 25% pa lamang sa kanilang toda ang nakapagpa renew na..

Hindi na kasi aniya nila hinihintay ang huling araw ng renewal dahil iniisip rin nila na baka mahihirapan sila kapag rush hour na.

Umabot naman aniya sa mahigit isang libo ang kanilang inihandang pera na kanilang nagastos sa pagpapa prangkisa dahil lahat ng dokyumento na kanilang isinumite sa Business Permit and Licensing Office BPLO ay mayroong bayad tulad na lamang ng Brgy. Clearance, Police clearance, picture, at iba pa.

--Ads--

Sa ngayon naman ay aminado ang mga namamasadang tricycle driver na mayroon pa ring ilang miyembro ng kanilang toda ang hindi pa nakakapag renew dahil sa kakulangan ng budget at dahil na rin sa kakulangan ng oras para ilakad ang mga dokyumento.

Sa kanilang pagpapa renew kasi aniya ay kinailangan nilang maglaan ng tatlong araw upang makompleto ang mga dokyumento at maipasa ito sa BPLO.

Ang ilan aniya sa kanilang mga kasamahan ay minamabuti na lamang na unti-untiing kumuha ng mga dokyumento kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapag pa prangkisa.