--Ads--

Ipinagbibigay alam ng Parole and Probation Office Cauayan City na marami na ang mga na deny at hindi na naaprubahan ang kanilang application for probation.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Pedro Almeda Jr., Parole and Probation Officer, sinabi niya na marami ang nag a apply ng probation tulad na lamang ng mga indibidwal na nasangkot sa krimen at ngayon ay may kinahaharap na kasong hindi lalagpas sa 6 na taon na sintensyang pagkakakulong.

Bagaman marami ang nag a apply ay hindi naman umano lahat naaaprubahan dahil sa legal aspect at social aspect.

Kahit pa man aniya kwalipikado sa legal aspect ang isang indibidwal kung malaking problema naman siya ng komunidad ay hindi pa rin siya pahihintulutan sa kanyang kahilingan.

--Ads--

Ilan sa mga hindi pinapaboran sa application for probation ay ang mga may bad records pa rin sa kanilang barangay tulad na lamang ng pagnanakaw, pagtutulak ng ilegal na droga, at iba pa.

Dagdag pa ni Ginoong Almeda mayroon na ring isang na revoke ang kanyang probation dahil ito ay nakagawa ng panibagong krimen.