--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilang negosyanteng nagtitinda ng itlog ang nagtaas ng kanilang presyo dahil sa kakapusan ng tustos sa Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga nagtitinda ng itlog sa Echague,Isabela kanilang sinabi na magmula ng pumutok ang balitang avian flu outbreak na tumama sa San Luis, Pampanga ay sinamantala ay nagsimula na silang magtaas sa presyo ng itlog.

Kung dati ay nabibili ng P160.00 ang bawat tray ng itlog ngayon ay nabibili na sa P/175.00 ang kada tray.

Ang kanilang itinitindang itlog ay galing din sa mga poultry farms dito sa Isabela .

--Ads--