CAUAYAN CITY- 70% pa lamang ng mga negosyo sa buong bayan ang nakapag renew ng kanilang business permit ngayong taon.
Ito ang dahilan kung bakit nagbibigay muli ng paalala ang Business Licensing Office ng naturang bayan para mabigyan ng pagkakataon na makapagrenew ng permit ang mga nagnenegosyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Licensing Officer Ronnie Lopez, ilang buwan na ang nakaraang na matapos ang palugit na ibinigay sa mga negosyante subalit hanggang ngayon ay marami-rami parin ang hindi nakakakuha ng permit.
Aniya napadalhan na nila ang 1st and 2nd notice ang mga negosyante na walang permit subalit kung hindi parin sila tatalima ay idudulog na nila sa Office of the Municipal Mayor ang hakbang na gagawin laban sa mga walang permit o iligal na nagnenegosyo.
Ang mga walang business permit ay maaaring pagpaliwanagin at maaari ring maipasara.











