CAUAYAN CITY – Dahil sa takot sa coronavirus disease (COVID-19) ay ilang Overseas Filipino Worker (OFW) na sa Daegu City, South Korea ang nais umuwi sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Angelito Haber, may-ari ng isang restaurant sa Daegu City, South Korea, sinabi niya na ilan sa mga kakilala niyang OFW ay nais ng umuwi sa Pilipinas habang hindi pa kinakapitan ng nasabing virus.
May ilan namang pinapalakas ang loob na hindi uuwi dahil kailangan nilang manatili sa nasabing bansa para sa kanilang trabaho at sa mga umaasa sa kanila dito sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Ginoong Haber na wala pang Pilipinong kinapitan ng virus sa Daegu City ngunit nag-aalala sila sa biglaang pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.
Sa ngayon ay wala pa namang employer doon na umalis dahil sa takot sa nasabing sakit.











