--Ads--

Lumipat na ng pinagtatrabahuan ang ilang overseas filipino workers o OFWs sa Israel dahil sa takot sa banta ng Iran na pag-atake sa bansa.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marc Plenios ng Israel, sinabi niya na sa ngayon ay tahimik pa naman ang sitwasyon sa nasabing bansa bagamat naka-high alert parin ang Israel Defense Forces.

Kung sa mga lugar na nasa gitnang bahagi ng Israel tulad ng Tel Aviv ay hindi gaanong ramdam ang tensyon kumpara sa mga nasa borders ng bansa na halos araw-araw ay may nangyayaring kaguluhan.

May mga OFW na aniyang dating nagtatrabaho sa northern Israel ang lumipat na ng trabaho dahil sa tensyon sa border.

--Ads--

Sa ngayon ang ilan ay sa Tel Aviv na nagtatrabaho at mas ligtas na lugar ito kumpara sa mga border ng Israel at Lebanon na laging may palitan ng missile strike ang dalawang panig.

Tiniyak naman niya na nasa ligtas na lugar ang OFW sa Israel at tiwala rin sila sa Iron Dome  na nagdedepensa sa mga ipinapalipad ng mga kalaban ng bansa.

Sa ngayon ay wala naman siyang balak na umuwi sa Pilipinas dahil normal naman ang kanilang sitwasyon.