Pauwi na sa Pilipinas ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Bahrain, Kuwait, Qatar, at Saudi Arabia, ayon sa pamahalaan.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik ng mga kababayan sa bansa.
Kabilang sa mga tumutulong sa repatriation efforts ang Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Migrant Workers Offices, at mga Embahada ng Pilipinas sa nasabing mga bansa.
Tiniyak ng pamahalaan na may sapat na tulong at assistance na nakahanda para sa mga OFW mula sa kanilang pagbiyahe hanggang sa kanilang pagdating sa Pilipinas.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamahalaan sa tinaguriang “One Country Team” dahil sa patuloy na pag-alalay at pag-asikaso sa kapakanan ng mga OFW.
Samantala, inaasahang magpapatuloy ang ganitong hakbang upang masuportahan ang mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat, lalo na sa gitna ng umiiral na tensyon sa ilang bahagi ng Middle East.











