--Ads--

CAUAYAN CITY – Bahagyang nagdulot ng takot sa ilang Overseas Filipino Workers (Ofw) sa Xiamen, China ang ginagawang live fire drill sa bahagi ng Taiwan matapos ang pagbisita ni US house Speaker Nancy Pelosi.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro,  mayroon na silang Plan A at Plan B sakaling magkagulo dahil sa tensiyon.

Tinitingnan na nila ngayon ang ilang hakbang tulad ng pagtungo sa malayong lugar o pagtatago sa basement ng tinitirhang bahay sakaling lumala ang tensiyon.

Bilang paghahanda ay nag-imbak sila ng  mga pangunahing pangangailangan tulad ng mga pagkain, tubig at mga gamot.

--Ads--

Una na ring naglabas ng babala sa mga Pilipino sa Xiamen na maghanda at manatiling kalmado habang naghihintay ng mga susunod na pangyayari hanggang matapos ang pitong araw na live fire drill ng China