--Ads--

CAUAYAN CITY – May mga Overseas Filipino Workers o OFWs na ang nagpapanic at nais nang umuwi dahil sa mga nangyayaring palitan ng pag atake ng Israel at mga Hezbollah sa border ng dalawang bansa.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Julieta Bumagat, bagamat sa kanyang kinaroroonan ay ligtas naman sa mga labanan ay may mga katulad niyang OFW sa ibang lugar na nagpapanic na dahil sa mga nangyayari sa pagitan ng dalawang bansa.

Dagdag sa ikinakatakot ng mga Pilipino ang nangyayaring digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas Militants sa Gaza Strip.

Nang dahil sa takot ay may mga OFW na hinihingi na ang mga passport na hawak ng mga employer.

--Ads--

Tanging hawak lamang aniya nila ay ang photocopy ng kanilang passport at kanilang mga ID.

May mga OFWs na ring nakaempake para kung sakaling kailangan nilang umuwi o marepatriate ay nakahanda na sila.

Umaasa naman sila na hindi na lumala pa ang kaguluhan katulad ng nangyayari sa Gaza.

May mga OFWs naman na nakapangasawa na sa nasabing bansa ang ayaw umuwi kahit pa may repatriation dahil na rin sa kanilang maiiwang pamilya.

Wala rin umano siyang balak pang umuwi sa bansa dahil inaalala niya ang magiging sitwasyon nila ng kanyang anak.

Ligtas naman sila basta iwasan lamang magtungo sa mga border ng dalawang bansa dahil dito nangyayari ang mga kaguluhan.