CAUAYAN CITY-May ilang mga opisyal ng Barangay ang patuloy na nakakatanggap ng pagbabanta mula sa mga extortionist.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan hindi nagpapadala sa takot ang ilang opisyal ng Barangay na nakakatanggap ng mga pagbabanta kapalit ng pera.
Ayon kay Kapitan Quirino Cardenas ng Barangay Villa Cruz, San Mateo, Isabela, maging siya ay nakatanggap ng pagbabanta kapalit ng pera , makailang ulit aniyang nakakatanggap siya ng tawag kung saan ilan sa mga hinihingi ay 40 thousand pesos, at sasakyan.
Pagbabanta ng taong hindi nagpakilala na kugn siya ay hindi susunod ay maaari nila siyang dukutin.
Matatandaan na nitong nagdaang halalan ay may ilang mga Kapitan ang nakatanggap ng ganitong pagbabanta kung saan may ilang napilitang magbigay ng pera sa pamamagitan ng pagpapadala sa remitance center dahil sa takot.
Samanatala, nakikipag ugnayan ngayon ang Bombo Radyo Cauayan sa PNP at Philippine Army para berepikahin ang impormasyon kaugnay sa mga extortionist o pangingikil sa ilang opisyal ng Barangay.