--Ads--

CAUAYAN CITY– Stranded ngayon  ang ilang  opisyal ng  pamahalaang panlalawigan Isabela  na dumalo sa  Agri-week of Agriculture Technology  o Agri- Expo sa bansang Japan dahil sa bagyong Hagibis  sa nasabing bansa.

Ito ay makaraang  kanselahin flight ng 11  opisyal ng Provincial Government ng Isabela kabilang ang pitung  kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlalawigan Member  Fred Alili, isa sa mga na-stranded   na malakas na ang nararanasang pag-ulan sa Tokyo, Japan sanhi para kanselahin ang kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Nag check out na anya sila  sa kanilang hotel nang malamang kanselado ang kanilang flight na naging sanhi para mahirapan silang mag-book ng kanilang tutuluyang  hotel  dahil fully book na ang karamihang hotel sa Tokyo .

--Ads--

Sa Huli ay nakahanap din sila ng hotel  kung saan sila magpapalipas ng buong magdamag.  

Tinig ni Sangguniang Panlalawigan Member Fred Alili ng Isabela

Nararanasan na ang malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong Hagibis  sanhi para magsara na ang mga bahay kalakal na kinabibilangan ng mga restaurants, maging  ng mga train,  subway at  airport.