--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Naghihintay ng opisyal na pahayag o announcement ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) Cauayan City hinggil sa pagbubukas ng klase kung Agosto o Setyembre 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Alfredo Gumaru, Schools Division Superintendent ng DepEd Cauayan City na hinihintay nila ang mga ibababang direktiba ng kanilang cenral office para  mapag-aralan nila ang mga tama at tugmang learning option sa Cauayan City.

Tungkol sa graduation ay hindi pahihintulutan ang face to face dahil ipinagbabawal ang social at mass gathering sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi ni Dr. Gumaru na sa kanilang  teleconference ay pinayuhan niya ang mga school heads na gumawa ng paraan na maisagawa ang graduation na hindi kailangan ang face to face o presensiya ng mag-aaral at magulang lalo na sa pagbibigay ng honors at   award

--Ads--

Iminungkahi niya ang paggamit ng tricycle na may sound system at tapatan ang bahay ng mag-aaral para maibigay ang kanyang certificate at award.

Ginawa niyang halimbawa ang ginawa ng isang guro Cordon, Isabela na ibinahay-bahay ang cerificate at award ng kanyang mga mag-aaral.

Ayon kay Dr. Gumaru, tatlo ang ikinukunsidera  nila para sa paghahatid ng basic education sa mga mag-aaral.

Ang una ay inaalam nila ang mga mag-aaral na may full access sa internet  at may gadget.

Ikalawa ang may gadget ngunit limited ang access sa internet at ikatlo ang walang access at wala ring gadget.

Nagsasagawa rin sila ng survey para sa  flexible learning options.

Pinaghahandaan  nila ang bring the school to the home of the learners scheme para maibigay ang basic sa mga mag-aaral.

Sa kanilang paunang survey ay aabot lamang sa 11% hanggang 15% ang mga batang mag-aaral na may kakayahan sa full access at may gadget tulad ng  mga anak ng mga guro, propesyonal at mga maykaya sa buhay.

Ang mga pinagtutuunan nila ng pansin ay ang mga mag-aaral na may limited access at no access para mapag-aralan kung paano ang kanilang alternative delivery mode.

Mas gusto pa rin ng mga magulang ang face to face learning ngunit kung hindi pa puwede dahil sa social distancing ay puwede nilang ikunsidera ang satellite instruction base sa pamamagitan ng community center sa mga barangay.

Depende ito kung  aaprubahan ng Local Inter-Agency Task Force IATF).

Ang tinig ni Dr. Alfredo Gumaru