Inahayag ng DOLE Isabela na no record keeping ang karaniwang naitatala ng kanilang opisina na mga paglabag ng mga employer sa kanilang mga negosyo
Ito ay ang kawalan ng record sa DTR, payroll, profile ng mga empleyado at iba pang mga record na nirerequire ng mga opisina.
Ayon kay DOLE PD Reginald Estioco, ito ang kadalasan na nakikitang paglabag ng kanilang mga personnel sa lahat ng mga pinupuntahan nilang mga business establishment
Aniya, bagaman depensa ng mga employer ay kakilala ng mga ito ang kanilang empleyado, mas maigi aniya na mayroong sapat na record nang sa ganoon ay dokumentado ang mga ito
Bukod pa rito, kabilang din sa mga naitatala pa ng kanilang hanay na mga paglabag ay ang hindi pagsunod sa minimum wage ng ilang mga business establishment
Kaya naman patuloy ang ginagawang information dissemination ng opisina sa lahat ng mga employer lalo na at may ilan aniya na ang dahilan ay hindi alam ang minimum wage
Isa pa sa nakikitang paglabag ng DOLE sa mga employer ay ang kakulangan sa ibinibigay na benipisyo sa mga empleyado lalo na pagdating sa kalusugan.











