CAUAYAN CITY – Tuloy tuloy ang paglulunsad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Pamahalaan sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Grace Rivera ng Department of Human Settlement and Urban Development Region 2, sinabi niya na tuloy tuloy ang paglulunsad ng programa sa katunayan aniya ang Region 2 ang may pinakamaraming proyekto para sa pabahay.
Katatapos lamang ng kick-off para sa construction ng Pambansang Pabahay sa Roxas Isabela habang naganap ang groundbreaking sa Jones, Isabela at Ramon, Isabela, habang ongoing na rin ang proyekto sa Lungsod ng Tuguegarao.
May unfinished regular subdivision din ang DHSUD ang ico-convert para sa National Housing Projects sa Gamu, Isabela na may 1,600 units habang ongoing land development ang construction ng nasa 1000 housing Units dito sa Lungsod ng Cauayan.
Sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program ng Pamahalaan ay mabibigyan ng abot kayang interest subsidy ang mga first time home buyers na kwalipikado o benipisyaryo.
Isa sa mga mahahalagang requirement ng mga nais na mapabilang sa programa ay maging miyembro ng Pag-ibig dahil sina-subsidized lamang ng Pamahalaan ang interest sa abot kayang halaga.
Maaari namang iprioritized ng mga Local Government Units na may Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino Program kung sino ang mga benificiary na qualified para sa Pabahay maaaring LGUemployes, OFW at iba pa.