--Ads--

Ilang Filipino ang naapektuhan sa naganap na massive federal layoffs sa US sa ilalim ng administrasyong trump kung saan 2 million federal wokers ang nawalan ng trabaho.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rachel Gunther na karamihan sa mga Pilipino na nasa US ay self-emplyed kaya maliit na bahagdan lamang sa kabuuang bilang ng mga napatalsik na federal workers ang kinabibilangan ng mga Pinoy.

Aniya, lahat ng apektado ay nabigyan ng pay slips at early retirement packages kaya mayroong magagamit ang mga ito para makapaghanap ng panibagong trabaho sa pribadong kumpanya o dili kaya’y makapagsimula ng negosyo.

Nilinaw niya na bagaman maraming apektado ay hindi sila maituturing na biktima bagkus ay maituturing itong wake up call para sa kanila.

--Ads--

Matatandaan na ang naganap na massive layoffs ay dahil sa natuklasang government frauds at abuse mula sa mga empleyado.

Ang hakbang na ito ay suportado ng mamamayan ng america kabilang ang ilang filipino americans na nagbabayad ng buwis.