--Ads--

Labis ngayon ang pangamba ng isang Pilipinong guro matapos na yanigin ng malakas na lindol ang Bangkok, Thailand.

Nasa limang katao na ang naitalang fatalities habang maraming construction workers ang na trap sa gumuhong gusali sa Chatuchak Market sa Thailand matapos ang Magnitude 7.7 na lindol sa Mandalay, Myanmar.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Noli Condaya Cerveza sa Bangkok Thailand, na hindi nila inaasahan ang magaganap na lindol at halos lahat ay nasa eskwelahan dahil sa kasalukuyan ang summer school sa Thailand.

Aniya nang maganap ang pagyanig ay nasa ikalimang palapag siya ng kanilang school building kasama ang isang estudyante nang bigla silang makaramdam ng pagkahilo kaya dali dali silang bumaba at lumabas sa gusali kung saan tumagal pa ng ilang minuto ang pagyanig.

--Ads--

Dahil sa lindol ay nakaranas sila ng matinding trapiko dahil sa maraming mga tao ang nagsimulang mag siuwian na sa probinsya dahil sa hanggang sa kasalukuyan ay sarado ang lahat ng public transportation.

Aniya hindi lamang sa Bangkok naramdaman ang lindol na tumama sa Mandaya Myanmar dahil naramdaman din ito sa iba pang bahagi ng Thailand kabilang ang Chiang Mai.

Kung matatandaan hindi bababa sa tatlumpung katao ang na trap sa gumuhong gusali sa Chatuchak Market habang tatlo naman ang kumpirmadong nasawi.

Tuloy tuloy ang ginagawang rescue operation sa mga nawawalang mangagawa sa bumagsak na gusali, ipinag utos narin ni Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra ang pag tatag ng earthquake response command center.

May inilabas naring abiso kung saan pinag iingat ang mga residenteng nakatira sa high rise buildings na maging alerto dahil sa aftershocks.

Pinagbabawalan ngayon ang mga residente bumalik sa kanilang mga condominiums dahil lumbha pang delikado ang sitwasyon habang ang ilan ay pinapayagan para lamang kumuha ng gamit.

Sa ngayon ay nakatawag na siya sa kaniyang Pamilya dito sa Pilipinas para ipaalam ang kaniyang kalagayan at siya ay ligtas.