--Ads--

Naramdaman hanggang sa Taichung ang malakas na lindol na tumama sa Chiayi City, Taiwan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent John mark Santiago sinabi niya na napuruhan ng lindol ang southern part ng Taiwan kung saan maraming mga gusali ang nasira.

Aniya dahil sa lakas ng lindol ay umuga ang kanilang higaan dahil tulog sila ng maganap ito na nagdulot sa kanila ng pangamba lalo at ito ang unang pagkakataong makaranas siya ng malakas na lindol.

Agad agad ay kinuha niya ang mga importanteng gamit at mga dokumento bilang paghahanda sa paglikas sa kasagsagan ng pagyanig na tumagal ng apat na minuto na sinundad pa ng afterschocks.

--Ads--

Batay sa mga naglitawang video makikita ang mga nasirang gusali gayunman wala pang napapaulat na Pilipinong nasugatan dahil sa mabilis na pag responde ng mga otoridad.