CAUAYAN CITY- Maikukunsidera ng ilang mga pinoy na nakuha ni Donald Trump ang unang Presidential Debate kontra kay US President Joe Biden.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na naging direkta ang mga sagot ni Former President Donald Trump sa mga katanungan kumpara kay US President Joe Biden na tila hindi sigurado at naghahanap ng sagot.
Aniya batay sa kanilang karanasan sa ilalim ng panunungkulan ni Donald Trump ay kakaunti ang naitatalang illegal immigrants kumpara sa naitalang 150,000 immigrants na sinusubukang tumawid sa boarder araw araw sa ilalim ng Biden Administration.
Ito ay dahil sa brutal ang pamunuan ni Trump pagdating sa mga illegal immigrants na pumapasok sa Estados Unidos.
Hindi aniya maitatangi na lumakas din ang ekonomiya ng Amerika sa ilalim ng Trump Administration dahil sa pagpapababa ng tax para sa mga negosyo.
Inaasahang magkakaroon ng significant effect sa rating ng Democratic Party ang naganap na debate at batay sa pagtaya ay nasa 80 to 85% ng pahayagan sa US ang nagsabing “on track” si Donald Trump.