CAUAYAN CITY – Nakatakdang magsagawa ng kilos protesta ang ilang Pinoy sa Estados Unidos kasabay ng pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na layunin ng naturang protesta na ipanawagan ang hindi pangingialam ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Aniya, hindi ito nangangahulugan na nais ng ilang Pinoy sa naturang bansa na kumampi sa bansang China.
Sa katunayan ay may ilang Pilipino rin sa Estados Unidos ang sumusuporta kay Pangulong Marcos sa pamamaraan nito upang maipagtanggol ang soberanya ng bansa.
Nakatakdang magtungo sa Estados Unidos si Pangulong Marcos para sa Bilateral Meeting kasama si Pangulong Biden at sa Trilateral Meeting sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos.
Inaaasahang mapag-uusapan sa naturang pagpupulong ang pagpapalakas sa Defense Ties ng nasabing mga bansa.