--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-stop buying ang ilang mga private traders sa Lungsod ng Cauayan dahil sa dami ng napinsalang pananim sa pananalasa ng bagyong Gener.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Cauayan City, sinabi niya na umabot sa tatlumpung bahagdan ang napinsala sa sektor ng agrikultura sa Lungsod ng Cauayan.

Tatlong beses itong mas malaki kung ikikumpara sa pinsalang iniwan ng nagdaang bagyong Enteng na nasa sampung bahagdan na may kabuuang halaga na mahigit 15 million pesos.

Dahil sa pananalasa ng bagyong Gener ay napilitan ang ilang mga magsasaka na anihin na lamang ang kanilang pananim na palay at ibenta sa napakamurang halaga.

--Ads--

Noong nakaraang araw ay umabot na umano sa 13 pesos ang presyo ng palay na may mababang kalidad habang naglalaro naman sa 15-16 pesos ang presyo ng magandang kalidad na palay.

Bagsak presyo rin ang mais na nagkakahalaga lamang ng walong piso ang kada kilo.

Maliban sa Lungsod ng Cauayan ay tumigil din muna pansamantala sa pagbili ng palay at mais ang ilang mga traders sa ibang mga bayan sa lalawigan ng Isabela.

Tiniyak naman niya na mayroong matatanggap na assistance ang mga apektadong magsasaka mula sa Department of Agriculture ngunit nagiging problema lang aniya ang delayed na pagbibigay ng ayuda.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nakikipag-uganayan ang mga Agricultural Extension Workers sa mga Barangay upang makuha ang pangalan ng mga naapektuhang magsasaka para maisumite sa PCIC.