--Ads--

Nananatili pa rin ang tatlong  pamilya mula sa Barangay District 3 FL Dy Collisium ngayong araw.

‎Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan kay Ginang Marjie Domelod, balak na nilang bumalik sa kanilang tirahan mamayang Hapon, ayon na rin sa abiso sa kanila ng baranggay Captain.

‎Aniya, lubog pa rin sa putik ang ilang bahagi ng kanilang lugar. Isa ang pamilya mula sa Purok 7 at ang dalawa naman sa Purok 6 ng District 3.

‎Nagpaabot na rin ng tulong ang ilang barangay officials sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods gaya ng bigas, noodles at sardinas.

--Ads--