--Ads--

‎Pinili ng ilang residente ng Cauayan City na huwag nang bumili ng mga paingay tuwing Bagong Taon upang maiwasan ang perwisyong dulot nito sa kanilang mga alagang hayop, ayon kay Mierna Bucad, isang residente at pet owner sa lungsod.

‎Ayon kay Ginang Mierna Bucad, isang residente at pet owner sa lungsod, sinabi nito na labis na naaapektuhan ang kanyang mga alagang aso sa tuwing may malalakas na tunog mula sa paputok at iba pang pampaingay.

‎Aniya, nagiging balisa at natatakot ang mga ito, dahilan upang mas piliin niyang umiwas na lamang sa pagbili ng mga paingay tuwing pagsalubong ng bagong taon.

‎Dagdag pa niya, mas mahalaga para sa kanya ang kaligtasan at kapakanan ng kanyang mga alaga kaysa sa tradisyunal na maingay na selebrasyon.

--Ads--

‎Bukod kay Ginang Mierna, may ilan pang residente ang nagpahayag ng kaparehong pananaw. Ayon sa kanila, ang labis na ingay ay hindi lamang nakaaapekto sa mga hayop kundi maging sa mga bata, matatanda, at mga may karamdaman.

‎Umaasa ang ilang residente na mas marami pang mamamayan ang magiging responsable sa pagdiriwang at isasaalang-alang ang kapakanan ng mga alagang hayop at ng buong komunidad.