--Ads--

Matinding trauma ang sinapit ng ilang mga residente sa lungsod ng Cauayan na binaha dahil sa mabilis na pag taas ng tubig sa mga ilog na epekto ng   bagyong Uwan.

Batay sa talaan ng BGD Command Center at City Social Welfare and Development (CSWD) kaninang alaz 7 ng umaga, umabot na sa 37,500 ang mga residenteng lumikas sa mga evacuation center at sa kanilang mga kamag-anak.

Umabot naman sa 58/65 na barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa lungsod kung saan ang ilang mga barangay ay napabilang na rin sa isolated area dahil sa matinding pagbaha na naranasan.

Pinakamalaking bilang ng mga evacuees ay mula sa Barangay San Luis Cauayan na mayroong 4,990 na indibidwal.

--Ads--

Samantala, kahit sanay na sa baha ang ilang residente sa District 3 Cauayan City ay nakararanas pa rin sila ng trauma dahil kasabay ng kanilang pag salba sa kanilang sarili ay iniisip din ang pag salba sa mga gamit at alagang hayop.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Princess Mae Barbasa, sinabi niya na madalas silang mabaha at madalas din na masira ang kanilang gamit.

Aniya, matinding trauma ang dulot ng pagbaha sa kanilang mga taga P6 District 3, dahil biglaan ang pagtaas ng tubig kaya ang kanilang mga gamit ay inuuna na nilang isalba.