Nakahanda nang lumikas ang mga residente ng Barangay District III sakaling tumaas ang antas ng tubig bunsod ng paparating na Bagyong Uwan.
Ayon kay Ginoong Mario Valencia, residente ng naturang barangay, maaga pa lamang ay inihanda na nila ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga sako ng damit at pagkain bilang paghahanda sa posibleng pagbaha.
Dahil Sanay na sila sa lalo na kapag malakas ng ulan ay hindi na nila hihintaying umabot pa sa kanilang bahay ang baha bago lumikas upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Inihayag din ng mga residente na nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng barangay para sa maayos na pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa mga susunod na araw.
Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan na manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng awtoridad kaugnay sa lagay ng panahon at antas ng tubig sa mga pangunahing ilog at dam.











