--Ads--

Nalubog sa tubig ang ilang sako ng bagong aning mais matapos na tumirik habang nasa ilog ang isang 6×6 truck na patungo sana sa Barangay Minuri Jones, Isabela.

Ayon sa uploader na si Joven Chavez, tatawid sana ang truck na may kargang 230 bagong aing mais na dadalhin sa Barangay Minuri subalit hindi kinaya ng truck umahon sanhi para mahulog sa ilog ang ilang kargang mais sa likod ng truck.

Aniya, dating may tulay sa lugar subalit dahil sa nasira ito nagtalaga ang LGU ng detour bridge na pansamantalang nilagyan ng imburnal subalit muli itong bumigay at tuluyang na-washout kaya ang ilog ang nagsisilbi nilang daanan patawid sa kabilang Barangay.