Ilang mga Senior Citizen sa San Mateo Isabela ang kumukwestiyon ngayon sa paraan kung paano nga ba napipili ang mga napagkakalooban ng Social Pension.
Paliwanag ni OSCA President Florante Ramos, na hindi talaga lahat ng mga Senior na edad animnapu pataas ay napagkakalooban ng Social Pension alinsunod sa ilang alituntunin na kanilang ipinapatupad maliban pa sa limitadong slots dahil sa kinakailangang quota.
Aniya sa katunayan ay higit labing isang libo o 11,377 na ang bilang ng mga matatanda o seniors sa San Mateo, Isabela subalit wala pa sa kalahati ang nakakatangap ng tulong mula sa Pamahalaan kung saan sa Local ay 1,500 habang sa National ay 2,500.
May umiiral din aniya na bracket sa bawat Barangay.
Humihingi naman sila ng pang-unawa sa mga kapwa Senior Citizen na mag hintay lamang ay sila ay mapagkakalooban din ng Social Pension.