--Ads--
Limang turista ang nasagip ng Coast Guard Team sa ikalawang araw ng 2025 Summer Vacation (Semana Santa).
Agad na rumesponde ang Coast Guard Station Aurora katuwang ang SOU-Aurora, MSSU-Aurora, CGWCEIS-Aurora, at MDRRMO Baler sa isang insidente ng muntikang pagkalunod.
Matagumpay nilang nailigtas ang limang turista na lumangoy nang masyadong malayo sa pampang.
Ayon sa ulat, isang malakas na alon ang tumama na naging dahilan upang tangayin sila papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat.
--Ads--
Nagpaalala naman ang Coast Guard sa publiko na mag-ingat sa paglangoy lalo na kung malayo sa pampang, at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad upang maiwasan ang kapahamakan ngayong panahon ng bakasyon.










