CAUAYAN CITY- Isang Linggo ng walang flight ng mga commercial airlines sa Lalawigan ng Batanes dahil sa patuloy na epekto ng Habagat matapos ang magkakasunod na bagyong tumama sa bansa nitong nagdaang mga Linggo.
Batay sa kanilang talaan sumampa na sa 87 ang stranded tourist.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul sinabi niya na nanatiling kanselado ang mga flights maging operasyon ng mga paliparan sa isla.
Para kahit papaano ay matulungan na maiuwi ang mga stranded na turista ay humingi sila ng assistance sa Philippine Airforce at gamit ang C130 plane ay matagumpay na nakabalik sa kanilang mga lugar ang nasa 98 na katao kabilang ang 60 na turista at ilang uniformed personnel.
Una rito ay nanatili pansamantala sa hotel ang ilan sa mga turista habang 9 ang nanatili sa evacuation centers.
Sa ngayon may naiwan pang 24 na turistang hindi pa nakakauwi at nanatili sa isla.
Samanatala, wala namang gaanong epekto ang bagyo sa isla subalit labis na nakaapekto ang ulan na dala ng habagat na nagresulta sa serye ng landslides.
Sa ngayon naging mabilisan ang clearing operations habng puspusan ang ginagawang aksyon ng Local Government para maibalik ang tustus ng tubig sa ilang malalayong barangay.May mga gulay ring napinsala dahil sa malakas na bugso ng hangin











