CAUAYAN CITY- Isinagawa ang isang regular session na pinangunahan ni Vice Governor Kiko Dy na layuning malaman ang mga suliranin ng bawat Bayan sa Isabela.
Nagpahayag naman siya ng kahandaan ng Provincial Government of Isabela na tumugon sa abot ng kanilang makakaya para sa pangangailangan ng bawat bayan sa Lalawigan.
Sa isinagawang konsultasyon ay idinulog ni Mayor Nhel Montano ng Jones, Isabela ang ilan sa mga pangunahing suliranin sa naturang bayan.
Kabilang dito ang pagpapabilis ng pagbibigay ng share sa kita ng quarry sa Barangay na laging idinudulog sa kanila ng mga barangay officials.
Aniya sana ay unawain dahil sa maliit lamang ang pondo ng Barangay at malaking bagay para sa kanila ang kita sa quarry.
Maliban dito idinulog din niya kay Vice Gov. Dy ang suliranin sa kabubukas nilang Animal Bite Center na napondohan ng 1 million pesos subalit nangangailangan ng buwanang pondo na higit 400,000 pesos dahil na rin sa dami ng mga kumukuha ng serbisyo.
Humiling siya ng augmentation maliban sa reimbursement ng Philhealth sa E-konsulta package.
Dahil sa kakulangan ng sapat na pondo ay nabawasan narin ang bilang ng mga pasyente na ka nilang naseserbisyuhan sa loob ng isang araw.
Idinulog rin niya ang ongoing road project na ilang tain na ring pinopondahan ng Provincial Government of Isabela at LGU Jones.
Binigyang diin naman ni Vice Gov. Dy na bilang dating Municipal Mayor ng Echague ay sadyang suliranin talaga ang kakulangan sa pondo pagdating sa mga anti-rabies vaccines.
Aniya maliban sa Animal bite center ay nariyan ang mga Government Hospital na may mas kapabilidad at may sapat na bakuna para sa nangangailangan kung sakaling magkaroonman ng kakulangan sa naturang bayan.
Maliban dito ay muli niyang binigyang linaw ang kahalagahan ng prevention sa usapin ng rabies, giit niya talagang malaking halaga ang nagagastos ng pamahalaan para sa bakuna at ang tanging solusyon dito ay prevention.
Aniya dati ay ipinatupad niya ang isang ordinansa na nagsasaad na kung sino ang may-ari ng aso na nakakagat ay siya ang magbabayad sa pagpapagamot sa nakagat.
Idudulog din niya sa Sanguniang Panlalawigan ang usapin sa share sa kita ng barangay na sakop ng quarry site para mapag-aralan.










