CAUAYAN CITY- Lalo pang naghigpit sa pagbabantay sa Sports Complex ang mga kawani ng Barangay Tagaran alinsunod sa nalalapit na pagdaraos ng City Meet.
Matatandaan na sunod sunod ang mga nahuling lumabag sa RA 9003 o ang mga nagtatapon at nagsusunog ng basura noong nakaraang taon sa mismong bisinidad ng Sports Complex.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kap. Benjie Balauag, sinabi niya na bagaman walang streetlights at CCTV sa lugar ay tinitiyak naman ng mga opisyal ng barangay ang kanilang visibility.
Ngayong nalalapit na City Meet kasi aniya ay siguradong libo libong indibidwal nanaman ang magtutungo sa naturang lugar at tiyak na madidismaya sila kung makikita ang mga nagkalat na basura sa bisinidad ng Sports Complex.
Posible kasi aniyang ganapin ang City Meet simula sa ika-10 ng Enero taong kasalukuyan.
Dahil dito ay mas lalo pa aniyang pananatilihin ang kalinisan sa kanilang Barangay upang maging kaaya aya sa paningin ng mga bisita.