--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa 20,000 ang  halaga ng mga  iligal na pinutol na kahoy ang nasamsam ng mga miyembro ng San Agustin Police Station sa bulubunduking bahagi ng Sitio Ibu, Barangay Dabubu Grande, San Agustin, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan  sa San Agustin Police Station, nasa 26 na piraso ng iligal na pinutol na kahoy ang kanilang nasamsam sa lugar.

Una rito may nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa mga inabandonang mga kahoy sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ni Ginoong Nilo Agustin ng Community Environment and Natural resources (CENRO) sa  San Isidro, Isabela ay nabatid na nasa 20,150 pesos ang halaga ng mga nasamsam na kahoy.

--Ads--