--Ads--

CAUAYAN CITY- Ikinatuwa ng mga debotong katoliko ang pagdating ngayong araw sa Isabela ng imahe ng Black Nazarene.

Sinalubong ng mga deboto ang Imahe ng Black Nazarene sa pamamagitan ng isang misa.

Ayon kay Grand Knight Bobot Callueng ng Knight of Columbus, magtatagal ang imahe ng Black Nazarene hanggang sa Setyembre 25, 2017.

Nagmula pa sa Quiapo, Maynila ang imahe ng Black Nazarene na ngayon ay nasa St. Joseph Parish Church sa Centro, Naguilian, Isabela.

--Ads--