--Ads--

Inihayag ng isang Political Analyst at Constitutionalist na dapat mabuksan sa publiko ang imbestigasyon ng Commission on Elections kaugnay sa pagtanggap ng mga politiko ng donasyon o campaign funds mula sa mga contractor ng pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na ang naturang suhestiyon ay upang magkaroon ng “trustworthiness” ang imbestigasyon kaya hindi dapat ito gawing close investigation.

Ang resulta ng pagsisiyasat ay maaaring maging batayan ng taumbayan sa pag-boto sa susunod na halalan dahil magkakaroon na sila ng ideya kung sino-sino ang mga politikong nakikinabang sa ganitong sistema.

Bagaman medyo huli na ay maituturing pa ring welcome development ang hakbang ng Comelec.

--Ads--

Iginiit ni Yusingco na hindi dapat tumatanggap ang mga politiko ng donasyon sa mga tao o grupo na posibleng magkaroon ng conflict of interest dahil makaaapekto ito sa sanctity of elections.

Malaking bagay aniya na naging laman ng ika-apat na ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iimbestiga sa maga flood control projects ng pamahalaan dahil naging daan ito upang magsilabasan ang ilang mga isyu na may kaugayan dito na ngayo’y sinisiyasat na.