Sinabi ng Malacañang ngayong Martes na nasa Office of the Ombudsman ang kapangyarihang magpasiya kung dapat imbestigahan si Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential at intelligence funds.
Ito’y matapos magsumite ng liham ang Akbayan Party at Tindig Pilipinas sa Ombudsman nitong Lunes, na nananawagan na agad na aksyunan ang umano’y pang-aabuso sa pondo ng Office of the Vice President o OVP.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro nasa kamay na ng Office of the Ombudsman ang nasabing usapin.
Sinabi naman ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa isang press briefing na rerepasuhin niya ang naturang liham na isinumite sa kanyang tanggapan.
Ipinaliwanag pa ni Remulla na bagama’t hindi maaaring tanggalin ng Ombudsman sa puwesto ang mga impeachable officials ay maaari pa rin silang masampahan ng kasong kriminal.
Nito nakaraan ay mariin namang itinanggi ni Duterte ang umano’y maling paggamit ng confidential funds.











