--Ads--

Hindi kinumpirma ni Senadora Imee Marcos kung dadalo siya sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing na nakatakda ngayong araw ng Lunes, Enero 19.

Nasa gitna si Marcos ng mainit na palitan ng salita sa Chairman ng komite at Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson matapos niyang igiit na pinipigilan umano ng Blue Ribbon Committee ang mga minority senators na iugnay si dating House Speaker Martin Romualdez sa umano’y anomalya sa pondo para sa flood control.

Pinuna naman ni Lacson ang mga paratang ni Marcos, at binanggit na wala pa siya sa alinmang pagdinig na pinamunuan ng chairman.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kahapon araw ng Linggo, Enero 18 kung magpapakita ito sa kanyang unang pagdalo sa komite, sinabi ni Marcos na bukas pa ito.

Kasabay nito, dumalo si Marcos sa taunang pista ng Sto. Niño sa Tondo kung saan nag-alay siya ng panalangin para sa mga Pilipinong nahihirapan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Matapos ang Misa, namahagi rin siya ng tinapay at tubig sa mga deboto, bilang pag-alala sa Nutribun program na inilunsad sa Tondo noong panahon ng administrasyon ng kanyang ina, dating First Lady Imelda Marcos.

--Ads--

Ayon kay Marcos, inilunsad ang Nutribun sa lugar dahil isa ito sa mga pinaka-mahirap na komunidad, kung saan karamihan ng residente ay migrante mula sa Kabisayaan at Mindanao.

Layunin niyang maibalik kahit kaunti ang kasiyahan at kabusugan sa pamamagitan ng programang ito.