--Ads--

Hinimok ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang mga ahensya ng pamahalaan na bawasan ang pag-angkat ng baboy upang matulungan ang mga lokal na magbababoy na mapalakas ang kanilang produksyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Sinag, sinabi niya na ang P160-P165 na live weight ng baboy ay mas mababa sa 180/kl na production cost na malaking kalugian para sa mga backyard raisers.

Isa aniya sa mga nakaapekto nito ay ang labis na importasyon ng karne ng baboy ng pamahalaan na umabot umano sa 870  million kilos na dapat ay 500 million kilos lamang.

Iginiit nito na ang pagbabawas ng importasyon ay magbibigay ng economic incentives sa mga magsasaka. Inihalintulad niya ito sa mga polisiya ng pamahalaan sa sektor ng bigas, kung saan nagpatupad ng mga limitasyon sa pag-angkat matapos magdulot ng pagkalugi sa mga local producer ang murang imported na bigas.

--Ads--