Simula Nobyembre 1, 2025 ipaagbabawal na ng Land Transportation Office (LTO) ang paggamit ng ng Improvised at Temporary Plates
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, wala na umanong backlog ang ahensya sa mga plaka para sa mga 4-wheels at motorsiklo kaya’t wala na umanong dahilan upang gumamit pa ng pansamantalang plaka.
Sa oras na maipatupad ang patakarang ito, ang sinumang mahuling gumagamit ng improvised o temporary plates ay papatawan ng multang ₱5,000 at kukumpiskahin ang plaka.
Hinimok niya ang mga motorista na hindi pa nakukuha ang kanilang mga plaka na kunin na ito sa buwan ng Oktubre upang maiwasan ang abala sa pag-implementa ng bagong patakaran.
Hindi na rin tatanggapin ang temporary plates para sa vehicle registration renewal.
Dagdag pa ni Mendoza, hindi na tatanggapin ang improvised o temporary plates sa oras ng pag-renew ng rehistro ng sasakyan.
Nilinaw naman niya na may mga improvised plates na maaaring payagan, ngunit dapat ay may awtorisasyon at pirma mula sa opisina ng LTO na siyang nagproseso ng request.
Ang mga pinahihintulutang plaka ay dapat may nakalagay na opisyal na plate number ng sasakyan at ang katagang “Improvised Plate” sa ibaba nito.
Samantala, ipinagpatuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang distribusyon ng mga plaka ng motorsiklo bilang bahagi ng kanilang hakbang upang maubos ang mga backlog.
Target ng DOTr na maipamahagi ang 5.4 milyong plaka ng motorsiklo bago matapos ang Oktubre.
Sa ngayon layunin ng LTO na ipatupad ang “same-day release” ng official receipt (OR), certificate of registration (CR), at plaka sa mismong araw ng pagbili ng bagong sasakyan.










