
CAUAYAN CITY – Sisimulan na ngayong araw ng Lunes ang isang linggong in-service trainings ng mga guro sa buong bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Rayo Cauayan,inihayag ni Ginoong Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd region 2 na taun-taon itong isinasagawa ng kagawaran para sa mga guro.
Ayon kay Ginoong Aquino, layunin nitong magkaroon ang mga guro ng capacity building sa pamamagitan ng kanilang matututunan at ma-master sa mga lalahukang seminars at trainings.
Ito rin ang panahon upang maipaalam at matalakay sa mga guro kung mayroong mga panibagong DepEd momorandum, DepEd orders mula sa kanilang Central Office, maging ng mga localized policies sa mga regional office.
Sinabi ni Ginoong Aquino, na ngayong panahon ng new normal ay kinakailangan ang upskilling at re-skilling of teachers.
Sa pamamagitan ng seminars at trainings ay mas lalong madadagdagan ang kaalaman ng mga guro.










