--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinatunayan ng isang ina na kung gusto ay may paraan sa pagtulong sa kapwa kasabay ng ginaganap na Dugong Bombo Blood Letting Activity ng Bombo Radyo Philippines.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Elializa Dela Druz, sinabi niya na gusto sana niyang magdonate ng dugo subalit dahil sa hindi siya qualified dahil sa pag-inom niya ng maintenance kung kayat hinikayat nalang niya ang dalawa niyang anak upang magdonate ng dugo.

Wala naman anyang alinlangan ang kanyang mga anak na sina Eugine Dela Cruz at Rolando Dela Cruz Jr. na magdonage ng dugo.

Anya, hindi pa naman nila naranasang mangailangan ng dugo.

--Ads--

Gayunman, gusto kasi niyang makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo kung kayat nakibahagi sila sa bloodletting activity ng Bombo Radyo.

Samantala, sinabi naman ni Eugine sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na maliban sa gusto niyang makatulong sa kapwa ay pangarap din kasi ng kanyang nanay na makapagdonate ng dugo kung kayat sila nalang na magkapatid nakibahagi sa aktibidad ng Bombo Radyo.