--Ads--

CAUAYAN CITY – Nangangamba ang pamilya ng isang 14 anyos na binatilyo na tatlong araw nang nawawala dito sa Cauayan City.

Una rito emosyunal na dumulog sa Bombo Radyo Cauayan si Ginang Chit Jakilmak kaugnay sa pagkawala ng kanyang anak na si Jerencer Jakilmak, mag-aaral ng Cauayan City National High School at residente ng Barangay San Femin, Cauayan City .

Sinabi ng ginang na umaga noong lunes ( June 12, 2017) nang magpa-alam ang anak kasama ang kanyang mga kaibigan na maliligo sa isang resort.

Aniya, hapon na noong lunes subalit hindi pa umuuwi ang kanyang anak kaya personal na siyang nagtungo sa resort pero bisekleta na lamang ang kanyang nadatnan sa lugar.

--Ads--

Huling nakita ang binatilyo sa harap umano ng isang bangko na naglalakad at nakasuot ng orange na t-shirt at itim na short.pant.

Inihayag din ng ginang na idinulog na niya sa himpilan ng pulisya ang pagkawala ng kanyang anak.