--Ads--

CAUAYAN CITY – Pangunahing pinasalamatan ng ina ni Pole Vaulter Ernest John Obiena ang Panginoon sa pag-usad sa finals ng kanyang anak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginang Jeanette Obiena, ina ni Pole Vaulter EJ Obiena at Board member ng  Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nerbiyos ang kanyang naramdaman sa paglalaro kaninang umaga ng kanyang anak ngunit labis ang kanyang kasiyahan sa pag-usad nito sa final.

Nagpapasalamat siya sa Panginoon sa paggabay sa kanyang anak at pinasalamatan din niya ang lahat ng nagdadasal para sa kanya sa pagsabak sa Olympic Games.

Aniya, apat na araw na ang nakakalipas mula nang huli niyang makausap si EJ dahil ayaw niyang nakikipag-usap kapag malapit na ang kanyang laban para makapag-concentrate.

--Ads--

Ayon kay Ginang Obiena, maayos ang kanyang anak ngunit kabado lamang dahil sa mga nagpopositibo sa COVID-19 sa mga nasa Olympic Village.

Sa ngayon ay nakadepende sa resulta ng finals kung anong susunod na gagawin ng kanyang anak.

Payo naman niya kay EJ na magtiwala lamang sa kanyang sarili at manalig lagi sa Panginoon.

Ang pahayag ni Gng. Jeanette Obiena