--Ads--

Arestado ang isang 45-anyos na ina matapos umano’y ibenta ang kanyang isang taong gulang na sanggol kapalit ng ₱8,000, ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Nadakip ang suspek sa pamamagitan ng isang entrapment operation na isinagawa ng mga awtoridad laban sa ilegal na pagbebenta ng bata. Sa imbestigasyon, lumabas na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang suspek sa ganitong gawain, matapos umano niyang ibenta ang isa pa niyang sanggol noon.

Ayon sa PNP-ACG, tinangka rin umano ng suspek na ibenta ang limang iba pa niyang anak sa magkakahiwalay na insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung may iba pang sangkot at upang maisampa ang kaukulang kaso laban sa suspek.

--Ads--

Samantala, ang sanggol ay nasa pangangalaga na ngayon ng mga social welfare authorities upang matiyak ang kanyang kaligtasan at kapakanan.