CAUAYAN CITY – Bubuksan na sa Publiko ang Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela sa buwan ng Hunyo.
Ang nasabing tulay ay may habang 720 meter na magko-konekta sa bayan ng Cabagan at Sta. Maria.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maricel Acejo, Information Officer ng Department of Public Works and Highway Region 2, sinabi niya na ito ay soft opening lamang at mga light vehicles lang muna ang papayagang dumaan sa tulay ngunit magiging fully operational naman ito pagsapit ng Setyembre.
Kasalukuyan pa kasi isinasagawang finishing touches sa tulay para mas mapatibay pa ang istruktura nito.
Umabot naman sa 639.6 Million pesos ang inilaan na pondo para sa tulay na sinimulan ang konstruksyon noon pang 2018.
Aniya, medyo natagalan ang konstruksyon nito dahil nakita nila na hindi akma ang disenyo nito sa istruktura ng tulay kaya kumunsulta muna sila sa mga eksperto para masiguro na ito ay matibay.
Isa sa mga agaw-pansin na disenyo ng tulay ay ang Arches nito na hindi lamang dinisenyo para sa pisikal nitong ganda kundi nakatutulong din sa pagpapatibay sa tulay para sa kaligtasan ng mga dadaan dito.