CAUAYAN CITY – Umaapela ang mga guro ng Buneg Elementary School sa mga kaukulang ahensya para sa renovation ng isang gusali sa kanilang paaralan sa Echague, Isabela.
Napag-alaman ng Bombo Radyo Cauayan na ang sirang gusali ng paaralan ay ginawa pa noong 1959 hanngang 1960’s at ilang renovation pa lamang ang nagagawa dito
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Crisanta Montemayor,isang guro, umapela siya ng tulong upang mapagawa na ang mga gusali para maging komportable sila sa kanilang pagtuturo sa mga estudyante.
Sinabi ni Ginang Montemayor na naidulog na rin ang problema sa LGU-Echague noong mga nakaraang taon ngunit wala pa itong tugon.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan, ang mga nasabing gusali ay mga Marcos pre-sub building.
Nakita ang inaanay na kisame ng paaralan sa pagsisimula ng Brigada Eskuwela ngayong araw.




