CAUAYAN CITY – Inako ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang ginawang harassment sa 3 sa patrol base ng miitar sa Isabela at Quirino
Sa ipinadalang pahayag sa Bombo Radyo Cauayan ng Venerando Villacillo Command ng NPA Quirino, 3 kampo ng militar ang magkakasunod na hinarass ng kanilang mga mandirigma.
Noong Mayo 4, 2017 ay hinarass ng NPA ang Bravo Company ng 86th Infantry Batallion, Philippine Army sa Dipantan, Maddela, Quirino habang noong May 6, 2017 ay isinunod nilang hinarass ang Alpha Company ng 86th IB sa Tappa, San Mariano.
Dakong alas nueve kagabi, May 10, 2017 ay hinarass nila ang detachment ng 86th IB sa Villa Gracia, Maddela Quirino.
Nagtagal umano ng 3 minuto ang pagpapaputok ng mga rebelde 500 meters sa southwest ng patrol base ng militar bago sila tumakas.
Ang ginawa nilang pagharass sa mga kampo ng militar ay tugon umano sa all out war ng administrasyong Duterte at paghahatid umano ng katarungan sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo.
Matapos ang pagpapaputok ng mga rebelde ay gumanti ang mga sundalo sa pamamagitan ng pagpapasabog ng 60mm mortar.
Samantala, tinawag ng 502nd Infantry Brigade Philippine na nuisance o pambubulabog lamang at hindi maituturing na panghaharass ang ginawa ng mga rebelde sa kanilang patrol base sa Villa Gracia, Maddela, Quirino.




