--Ads--

CAUAYAN CITY – Inalerto na ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang lahat ng himpilan ng pulisya sa Isabela sa gitna ng kaliwa’t kanang banta ng mga kasapi New People’s Army (NPA).

Sa exklusibing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Senior Supt. Reynaldo Garcia, Police provincial director ng Isabela Police Provincial Office, kanyang inamin na nitong linggo ay lumutang ang impormasyon kaugnay sa pagsakalay ng umanoy mga NPA sa isang himpilan ng pulisya pangunahin na ang Cauayan City Police Station .

Agad silang nagpulong matapos matanggap ang impormasyon at may nakahanda ng paraan sakaling totohanin ang nasabing banta.

Gayunman hindi inaalis ng pulisya na maaaring diversionary tactics lamang ito ng mga NPA upang mabaling sa ibang bagay ang atensiyon ng pulisya sa pagbigigay seguridad sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

--Ads--

Kahit pasko ay hindi magpapakampante ang pulisya at natasan ng Provincial Director ang bawat himpilan ng pulisya na iwasan ng mga pulis ang pag-inom ng alak kahit may kasiyahan upang makatugon sila na naaayon sa sitwasyon.

Samantala, sa panig naman ng Cauayan City Police Station,ayon kay P/Sr. Insp. Ferdinand Datul, Chief ng Investigation Section nagtataka sila kung bakit lumalabas ngayon ang pangalan ng Lino Blas Command ng NPA gayung nakahimpil ito sa Central Luzon.

Sa ngayon mas pinaigting pa ng mga himpilan ng pulisya sa Isabela ang pagbabantay kahit lumalabas sa kanilang assessment na malabong ang Isabela ang puntirya ng nasabing banta.